DRUG TRADE | Sen. De Lima, magtutungo sa Bilibid para sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kanyang kaso

Manila, Philippines – Sa muling pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong illegal drug trade laban kay Senadora Leila De Lima na nakasampa sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206.

Muling sisipot ang senadora pero sa pagkakataong ito gaganapin ang hearing sa New Bilibid Prisons (NBP), Muntinlupa City.

Ito ay dahil nakatakdang ipresenta ng prosekusyon ang kanilang ikatlong testigo na si dating Police Officer Engelberto Durano na kasalukuyang nakapiit sa Bilibid.


Si Durano ay convicted sa kasong murder at frustrated murder

Posible ding aksyunan ni Judge Lorna Navarro Domingo RTC Branch 206 ang ihinain ni Senador De Lima na Motion to Disqualify Witnesses, kung saan ipinunto nito na karamihan sa mga saksi ng prosekusyon ay mga convicted felon o kriminal na sa ilalim ng batas ay disqualified na i-admit sa Witness Protection Program (WPP) dahil sila ay napatunayang nagkasala.

Matatandaan nahaharap si Senador Leila De Lima sa mga kaso na may kinalaman sa pagkakasangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) noong ito pa ang kalihim ng DOJ.

Facebook Comments