Itinakda na sa October 28 ang imbestigasyon ng Senado sa drug war ng dating Duterte administration.
Ikakasa ang pagdinig ng binuong subcommittee sa ilalim ng Senate Blue Ribbon na pamumunuan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel.
Uunahing imbitahan ng subcommittee ang mga testigong nagsasabing may pang-aabuso ang dating administrasyong Duterte sa pagpapatupad ng kampanya kontra ilegal na droga.
Sinabi naman ni Pimentel na kapag may testigong nagdiin kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay saka pa lamang ito ipatatawag.
Naunang sinabi ni Pimentel na nais niyang gawing orderly ang pagsisiyasat at sesentro lamang ang Senado sa mga isyu ng war on drugs.
Facebook Comments