Drug war matrix table ng DOJ, pwedeng gamitin ng ICC sa kanilang imbestigasyon

Desisyon na ng International Criminal Court kung gagamitin nila sa kanilang imbestigasyon ang drug war matrix table na inilabas ng Department of Justice.

Ang drug war matrix table ay isang public document na naglalaman ng resulta ng unang batch na 52 cases ng drug war killing sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DOJ Undersecretary Adrian Sugay, ito ay bukas para sa publiko kaya’t walang magiging problema kung gamitin ito ng ICC sa hangaring gusto nila.


Kaugnay nito, isasapubliko lamang ng DOJ ang resulta ng bukod pang 300 drug war killing cases kung papayagan na ito ni Pangulong Duterte.

Samantala, inihayag din ng ahensya na magpo-focus na sila sa pag-review ng mga drug war related cases sa mga urban areas.

Sa ngayon kasi, nasa halos 6,000 kaso pa ang kailangan nilang tignan na mas marami kumpara sa naunang batch at kakaunting buwan na lamang ang natitira sa ahensya.

Facebook Comments