DRUG WATCH LIST | PDEA, nagpaalala sa publiko na huwag iboto ang mga barangay official na sangkot sa iligal na droga

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino ang publiko sa pagboto ng mga barangay official na sangkot sa iligal na droga.

Ginawa ito ni Aquino sa harap ng nalalapit na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa darating na May 14, 2018.

Aniya, posible kasing magamit sa eleksyon ang drug money dahil sa impluwensya ng mga sindikato ng droga.


Paliwanag pa ni Aquino, sinusuportahan lamang ng mga drug syndicate ang mga lokal na kandidato kapalit ng pagbibigay sa kanila ng proteksyon.

Base sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte, mayroong 289 na barangay kabilang dito ang 143 na barangay chairmen at 146 na barangay kagawad na sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments