Cavite – Isa ang patay habang hindi bababa sa 40 ang arestado sa anti-illegal drugs operation ng Bacoor police.
Pasado ala-1 kaninang hapon nang ikasa ng mga otoridad ang kanilang operasyon partikular sa Barangay Kaingin, Bacoor, Cavite.
Nagpanggap muna na mga taga-linis ng estero ang mga pulis para makalapit sa target nang hindi namamalayan ng mga suspek.
Kasunod ng senyales ng kanilang team leader, sabay-sabay na sinalakay ng mga otoridad ang sampung target area kung saan nakumpiska ang samu’t saring drug paraphernalia at mga shabu.
Nagtungo rin sa lugar si CALABARZON-PNP Regional Director C/ Supt. Edward Carranza para personal na mag-inspeksyon sa lugar.
Facebook Comments