Drum drum na mga pampasabog, nadiskubre ng militar

Narekober ng 16th Infantry “Maglilingkod” Battalion, 85th Infantry “Sandiwa” Battalion, at Philippine National Police (PNP) ang limang drums ng pampasabog at 21 pirasong detonating cords.

Nadiskubre ang mga ito makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa isang sibilyan hinggil sa pinagtataguan ng mga nasabing war materiels sa Labo, Camarines Norte nitong Sabado, July 13.

Ang mga nakumpiskang war materials ay mula sa rebeldeng New People’s Army (NPA).


Ayon kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto Capulong, ang pagkakasabat ng mga pampasabog na syang ginagamit sa paggawa ng Improvised Explosive Device ay nahadlangan ang plano ng mga rebelde na maghasik ng kaguluhan sa mga komunidad.

Kasunod nito hinikayat ni Maj. Gen. Capulong ang nalalabi pang kasapi ng rebeldeng grupo na sumuko at magbalik loob na sa pamahalaan para maging benepisyaryo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

Facebook Comments