DRY RUN | Boracay, magkakaroon ng partial opening simula October 15

Aklan – Magsasagawa ang Boracay Inter-Agency Task Force ng “dry run” para sa opisyal na pagbubukas ng isla sa Oktubre 26.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, posibleng gawin ang dry run sa October 15 hanggang 25, 2018.

Aniya, limitado lang ang mga turistang papasukin sa isla kung saan prayoridad ang mga taga-Aklan.


Paliwanag ng kalihim, gagawin ang dry run para malaman nila ang mga dapat pa nilang gawin sa isla.

Pinaalalahanan naman ng DENR ang publiko na bago mag-book sa hotel ay tiyakin na may clearance na itong mag-operate mula sa gobyerno.

Facebook Comments