Tiniyak ng Metro Manila Council ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsasagawa muna sila ng dry run pagkatapos ng Semana Santa bago tuluyang ipasara ang mga provincial bus terminal sa Metro Manila sa Hunyo.
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Czar Edison Nebrija, batid nilang maraming pasahero ang maaapektuhan ng naturang hakbang.
Pero kailangan aniya nila itong gawin para maiayos ang trapiko sa EDSA.
Sabi ni Nebrija, nakipag-ugnayan na sila sa LTFRB para sa pagbabago sa ruta ng mga bus at pagtatakda ng bagong fare matrix.
Facebook Comments