DRY RUN | MMDA – nagsagawa ng dry run ng paglimita sa pagdaan ng mga provincial bus sa Edsa

Nagsagawa ng dry run ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga provincial bus na patuloy na dumadaan sa Santolan hanggang Magallanes.

Kaugnay ito ng planong paglimita sa pagbiyahe ng mga provincial bus sa EDSA tuwing rush hour.

Matatandaang sa inilabas na resolusyon ng Metropolitan Manila Council, hanggang Cubao na lang pwedeng magbaba ng mga pasahero ang lahat ng mga provincial bus na biyaheng pa-norte habang ang mga galing sa katimugang Luzon ay hanggang sa EDSA-Pasay na lang.


Epektibo ito mula alas 7:00 hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 6:00 hanggang alas 9:00 ng gabi.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, multang P2,000 ang ipapataw sa mga provincial bus na lalabag sa polisiya.

Pero kapag naulit hanggang ikatlong beses, padadaluhin na sa seminar ang bus driver at posibleng irekomenda ng MMDA ang kanselasyon ng kanyang lisensya.

Target na pormal na maipatupad ang bagong polisiya sa August.

Facebook Comments