Dry-run muna sa traffic bago ang pagsasara ng tulay, ayon sa isang konsehal

Nais ni Cotabato City Councilor Abdillah Lim na magkaroon muna ng dry-run sa daloy ng trapiko sa barangay poblacion mother at poblacion 1 ng lungsod, upang malaman kung ang mga dapat gawin para hindi sisikip ang traffic sa matampay bridge 2 kung sakaling isara na ang Quirino brdige para sa rehabilitasyon.
Ayon kay Councilor Lim, tinalakay nila sa council ang usaping ito noong araw ng martes, at sinabi niya na hinihintay na lang nila ang recomendasyon ng Commiittee chair ng Transportation Commiittee ni Councilor Ed Rabago.
Anya pa tiyak na bibigat ang daloy ng trapiko sa naturang lugar kung hindi maging maayos ang dadaanan ng mga sasakyan.

Facebook Comments