Naghahanda na ng Department of Education (DepEd) para sa dry-run ng blended learning sa Agosto.
Isasagawa ang dry run sa unang linggo ng Agosto kung saan ipapakita kung paano tatakbo ang blended learning oras na magbukas na ang school year 2020-2021.
Ayon kay DepDd Sec. Leonor Briones, layon ng dry run na matiyak na magiging mabisa ang ganitong uri ng pagtuturo sa public school system.
Katunayan, noong June 29, sinimulan na ng kagawaran ang pilot simulations nito sa tatlong paaralan sa Metro Manila kabilang ang Bagumbayan Elementary School, Dagat-Dagatan Elementary School at Navotas National High School.
Facebook Comments