Magsasagawa ng dry run ang Department of Education (DepEd) para sa mga TV channel nito sa September 21 hanggang 25 na bahagi ng kanilang broadcast media learning modality.
Ayon kay DepEd Director Abram Abanil, magpapalabas sila ng 24 episodes para sa dry run.
Sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, target ng DepEd na magpalabas ng 130 episodes kada linggo tungkol sa mga major subject na karamihan ay mga learning competency.
30 minuto tatagal ang bawat episode at may limang minutong break.
Kabilang sa nag-alok ng kanilang mga channel para sa DepEd TV ay ang IBC 13, PTV 4, Solar TV, Planet Cable, Philippine Cable and Telecommunications Association, Cignal TV, GSAT, Gracia/LMP – 1 at Mabuhay Pilipinas TV.
Kasalukuyang may 107 teacher broadcasters ang DepEd na pawing mula sa National Capital Region na may 40 designated educators; 20 sa Calabarzon at 17 sa Central Luzon.