Dry run ng face-to-face classes sa mga low-risk areas, suportado ng Teacher’s Dignity Coalition

Inihayag ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) na wala silang nakikitang masama sa pagpapatupad ng dry run ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 sa susunod na taon.

Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni TDC National Chairperson Benjo Basas na piling eskwelahan lamang ang magsasagawa ng nasabing dry-run at boluntaryo sa hanay ng mga estudyante at kanilang magulang.

Aniya, isa rin itong hakbang para malaman kung ano ang maaaring maging pagbabago sa oras na nang simulan ang face-to-face classes.


Kasunod nito, iminungkahi rin ng TDC na magsagawa muna ng konsultasyon ang Department of Education (DepEd) sa mga guro na nakatakdang magsasagawa ng dry-run.

Maging ang mga guro magtuturo ay dapat malapit lamang sa eskwelahan para hindi na bumiyahe at mas ma-expose pa ang mga ito sa virus.

Samantala, suportado rin ng Parents-Teachers Association (PTA) ang pagkakaroon ng face-to face classes kung kalahati lamang ng orihinal na bilang ng mga estudyante sa isang classroom ang tuturuan.

Facebook Comments