Dry run ng interim bus terminal, sinuspinde

Inaayos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang magiging point-to-point na ruta ng mga provincial bus na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA.

Ito ay matapos suspendihin ang dry run ng interim bus terminal sa Sta. Rosa, Laguna at Valenzuela dahil patuloy pa ang pag-aaral sa polisiya at guidelines nito.

Patuloy ang koordinasyon ng MMDA sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at maging sa provincial at city bus operators patungkol sa provincial bus ban sa EDSA.


Ayon sa MMDA General Manager Jojo Garcia – ang ilang provincial bus ay magiging point-to-point ang ruta.

Siniguro rin ni Garcia na magiging maikli ang biyahe kahit madagdagan ang sakay na mga pasahero.

Tiniyak din na hindi gagalaw ang pamasahe sa provincial bus.

Siniguro rin ng MMDA na nagkakaisa ang Metro Manila Council (MMC) sa pagpapasara ng provincial bus terminals sa kanilang nasasakupan.

Pipilitin ding matapos ang polisiya sa provincial bus ban sa Hunyo.

Facebook Comments