Dry run ng provincial bus ban sa EDSA, ipatutupad na sa susunod na linggo

Tuloy na sa Agosto a-syete ang dry run ng provincial bus ban sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia – layunin nitong masanay ang mga driver at mga pasahero sa tamang babaan at sakayan.

Hihikayatin din nila ang mga bus operator na gamitin ang mga common terminal sa Sta. Rosa, Laguna at Valenzuela City.


Nilinaw naman ni Garcia na hindi muna pagmumultahin ang mga lalabag rito taliwas sa naunang plano.

Bibigyan naman ng window hours ang mga provincial bus na makapasok sa common terminal sa Cubao, Quezon City tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Facebook Comments