Dry run ng provincial bus ban sa EDSA, sinuspinde

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasagawa ng dry run sa provincial bus ban sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia – itinigil muna nila ang dry run habang hindi pa nakakapagsagawa ng pulong kasama ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Itutuloy na lang aniya nila ang dry run kapag naplantsa na ang mga guidelines at implementing rules nito.


Dagdag pa ni Garcia – ayaw din nilang mapulitika ang polisiya lalo at papalapit na ang halalan.

Samantala, tuloy pa rin ang istriktong pagpapatupad ng “no loading, unloading policy” sa mga provincial bus sa EDSA.

Facebook Comments