Dry run ng provincial bus ban, tuloy ngayong araw, MMDA

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tuloy ang pagpapatupad ng provincial bus ban sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, naitakda na ang petsa ng dry run bago magpalabas ng injunction o kautusan ang Quezon City Regional Trial Court branch 223 na pumipigil sa pagpapatupad ng polisya.

Pero binigyang linaw ni Garcia, nakadepende pa rin sa mga bus operator kung makikiisa sila sa dry run na hindi sapilitan.


Plano ng MMDA na maghain ng mosyon sa Korte para payagang ipatupad ang bus ban.

Nakahanda silang magbigay ng karagdagang ebidensya para matuloy ang pagpapatupad ng polisiya.

Hindi pa rin natatanggap ng MMDA ang kopya ng writ of preliminary injuction.

Aabot sa 70,000 pasahero ang posibleng maapektuhan ng provincial bus ban.

Facebook Comments