
Makalipas ang ilang buwan na pansamantalang pinatay ang mga traffic lights sa Dagupan City, muli itong binuksan para sa isang dry run.
Sa intersection ng MH Del Pilar-Arellano-AB Fernandez, nagbukas ang mga traffic lights simula kahapon, July 7.
Ayon kay POSO Dagupan City Chief Arvin Decano, pinag-aaralan nila ang timing ng traffic lights upang maging synced sa iba pang traffic lights sa lungsod.
Aniya, ito ay upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa lungsod.
Matatandaan na pansamantalang pinatay sa gitna ng konstruksyon ng mga kakalsadahan at personal na minandohan ng mga kawani ng POSO upang hindi bumigat ang daloy ng trapiko.
Inaasahan naman na magiging fully operational ito sa madaling panahon kasabay na rin ng paglalagay ng pedestrian lanes. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





