DRY RUN OPERATION NG MUNICIPAL SLAUGHTERHOUSE NG BAYAMBANG, ISINAGAWA

Nagsagawa ng dry run operation ang municipal slaughterhouse ng Bayambang bilang kahandaan sa full operation nito.
Matatandaan na sumailalim sa rehabilitasyon ang mga kagamitan at pasilidad.
Ang mga butcher dito ay patuloy na sumasailalim sa training upang madagdagan ang kanilang kaalaman.

Bukod pa rito, regular din ang pag-inspeksyon ng kanilang grupo sa meat section ng pampublikong pamilihan ng bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga consumer.
|ifmnews
Facebook Comments