DRY RUN | Pagpapatupad ng HOV Lane, aarangkada bukas

Manila, Philippines – Aarangkada na bukas (December 11) ang dry-run ng MMDA para sa pagpapatupad ng High Occupancy Vehicle o HOV lane sa EDSA.

Sa ilalim ng traffic scheme, hinihikayat nito ang mga motorista sa ride-sharing para bawasan ang bigat ng trapiko sa Edsa.

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim – ang HOV lane ay matatagpuan sa innermost lane ng EDSA kung saan ang mga motoristang may kasamang dalawa o higit pang pasahero ang maari lamang dumaan.


Ang mga pribadong sasakyan naman ang walang kasama ay maaring gamitin ang ikalawa at ikatlong innermost lane.

Bagamat, walang huhulihin sa gagawing dry-run, ang mga lalabag ay pagmumultahin ng 500 pesos dahil sa pagdededma ng traffic sign.

Facebook Comments