Dry run para sa isang online platform na makakatulong sa mga small-scale vendors, sinimulan na ng OVP

Nagkasa ang Office of the Vice President (OVP) ng dry run ng isang online platform para matulungan ang mga small-scale vendors na maibenta ang kanilang mga produkto sa loob ng COVID-19 crisis.

Mahahalintulad ito sa “community mart” sa Naga City, isang app-based e-commerce platform na layong mailapit pa ang mga vendors sa mga mamimili.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Vice President Leni Robredo, ang dry run ay isinagawa sa Kamuning Market, Quezon City.


Paglilinaw ni Robredo na hindi ito pakikipag-kompitensya sa mga malalaking negosyo dahil target na matulungan sa kanilang programa ay mga naglalako ng pagkain, mga tindero’t tindera.

Mapapadali rin ang access ng mga residente sa pagkain at iba pang essential goods.

Katuwang nila sa inisyatibo ang Quezon City Government.

Facebook Comments