Dry run para sa Manila Bay dredging operation, aarangkada na!

Manila, Philippines – Nagdatingan na ang mga heavy equipment sa Manila Bay para sa dry run ng dredging.

Layon ng dredging o paghuhukay na matanggal ang mga burak at mga nakatagong mga basura bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), maliban sa mga heavy equipment, marami rin ang nagbo-volunteer para sa weekly clean-up drive sa baywalk.


Ang unang phase ng dredging ay gagawin sa bandang US Embassy kaya pinapayuhan ang mga motorista at turista na iwasan muna ang parteng ito.

Mababatid na sa Marso a-tres pa pormal na sisimulan ang dredging.

Facebook Comments