Dry run para sa proklamasyon, isinagawa sa PICC

Isinagawa ngayong hapon ng Commission on Elections ang dry run sa PICC para sa proklamasyon ng mga nanalong senador.

 

Kasama ang kinatawan ng PNP-Highway Patrol Group, at organic security ng Comelec, gumawa ng senaryo sa entrance  ng PICC forum ang ilang kawani at opisyal ng Comelec.

 

Ilan sa mga isinagawa ay ang senaryo kapag pumapasok na ang sasakyan ng mga opisyal na manunumpa, kasama ang kani-kanilang entourage.


 

Ayon sa Comelec, pinakiusapan na nila ang mga nanalong senador na limitahan lamang sa walo hanggang sampu ang kanilang isasama sa proklamasyon.

 

Magiging mahigpit ang seguridad, at lahat ng mga kasama lamang sa pangalan na pinadalo ng nanalong kandidato ang papasukin.

 

Mag-iisyu rin ang Comelec ng security stickers sa mga bisitang dadalo sa proklamasyon.

Facebook Comments