Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magkakaroon ng dry run sa gagawing pagsisilbi ng mga guro sa nalalapit na eleksyon.
Ayon kay DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, magkakaroon ng simulation o dry runs upang malaman ang mga posibleng mangyari sa pagsisilbi ng mga guro sa eleksyon sa Mayo.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DepEd sa Commission on Elections (COMELEC) para sa mga isyu na may kaugnayan sa pag-upo ng mga guro bilang Board of Election Inspectors (BEIs).
Dagdag pa ni Malaluan na nais din nilang malaman kung ano ang maaring maging epekto ng pagdaraos ng eleksyon habang may pandemya.
Sa kabila nito ay tiniyak naman ng DepEd na mahigpit na ipatutupad ang health and safety protocols sa mismong araw ng halalan.
Facebook Comments