Pinalawig pa ng dalawang buwan ang dry run sa re-implementation ng contactless program sa mga toll plazas sa North Luzon Expressway (NLEX).
Sa isang advisory ng NLEX Corporation, magkakabisa ang extended implementation ng dry-run simula bukas, Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2023.
Lahat ng dating qualified toll plazas ay patuloy na magpapatupad ng dry run hanggang Disyembre 31, 2023.
Ang natitirang non-qualified toll plazas ay sasailalim sa evaluation para sa pagsasama sa dry run at hintayin na lamang ang paglalabas ng advisory para sa kanilang partisipasyon.
Ayon sa NLEX, kung sakaling successful ang dry run ng re-implementation ng contactless program ay posibleng maipatupad simula Enero 1, 2024.
Pinapayuhan ang mga toll user na mag-avail at gumamit ng RFID.
Pinatitiyak din na may sapat na load ang mga account, para sa mas mabilis at mas komportableng paglalakbay sa mga expressway.