Dry run sa pagsasara ng terminal ng mga provincial bus sa edsa, sisimulan na

Sisimulan na bukas, April 22, 2019 ang dry run sa pagsasara ng terminal ng mga provincial bus sa EDSA.

 

Isasabay ang dry run sa pagsisimula rin ng pagbabawal ng magbaba at magsakay ng mga pasahero sa edsa at sa ibang lansangan.

 

Sa mangyayaring dry run, hihilingin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga operator na gamitin ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at mga terminal na nasa Valenzuela City at Sta.Rosa Laguna.


 

Makikipag-ugnayan din ang MMDA sa mga lokal na pamahalaan ng Quezon City at Pasay na nasasakop ng karamihan ng mga bus terminal sa EDSA.

 

Target ng mmda maipasara ang lahat na apatnapu’t pitong terminal ng bus sa EDSA sa Hunyo.

 

Facebook Comments