Manila, Philippines – Opisyal nang idineklara ng PAGASA ngayong araw ang pagpasok ng tag-init.
Ayon sa PAGASA, tuluyan nang humina ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan na siyang nagdadala ng malamig na hangin sa bansa.
Sabi pa ni PAGASA Administrator Dr. Vicente Manalo, nakapagtala rin sila ng “Gradual Increase” sa temperatura na indikasyon ng dry season.
Dahil dito, asahan na mainit na panahon lalo na sa Tuguegarao at Cagayan na posibleng umabot sa 39 degrees celsius.
Nasa 37 o higit pa sa 38 degrees celcius naman ang pwedeng maranasan sa metro manila.
Kaya paalala ng pagasa sa publiko, i-minimize ang heat stress at manatiling hydrated.
Samantala, nilinaw ni Analisa Solis OIC ng Climatological and Agrometeorological Division ng PAGASA na short dry season lang ang mararanasan sa bansa dahil sa huling kwarter ng Mayo o unang kwarter ng Hunyo ay pwede nang pumasok ang tag-ulan.