Dryrun Para sa Bagong Traffic Scheme ng Cauayan City, Isabela, Pinaghahandaan Na!

*Cauayan City, Isabela- *Handa na ang Public Order and Safety Division (POSD) dito sa Lungsod ng Cauayan katuwang ang City Planning and Development Office para sa isasagawang dryrun nitong darating na Lunes, ika-anim ng Agosto taong kasalukuyan sa mga lansangan particular dito sa Poblacion area.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Deputy Chief Antonio De Luna ng POSD Cauayan City, Unang sisimulan ang pagsasagawa ng dryrun sa Rizal park hanggang sa Tagaran Bridge at susundan naman ng ilang mga lansangan.

Handa na rin umano ang mga ikakabit na signages sa bawat lansangan na maapektuhan ng One-way, two-way at U-turn zone upang makatulong sa kaalaman ng mga motorista.


Ayon pa kay Deputy Chief De Luna, Magkakaroon muli ng pagpupulong ngayong linggo ang POSD kasama ang PNP Cauayan kaugnay sa Bagong Traffic Scheme ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments