Target ng Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) na makapagpatayo ng resettlement sites at evacuation centers sa Taal at Balete, Batangas at Atimonan, Quezon upang maproteksyonan ang mga residente roon sa panahon ng sakuna.
Kasunod ito ng paglagda ng memorandum of agreement nina DSHUD Secretary Eduardo Del Rosario at mga local chief executives ng nasabing lalawigan.
Makikinabang sa itatayong resettlement sites sa Taal at Balete, Batangas ang mga biktima na naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal noong 2020.
Ang konstruksyon ng nasabing resettlement sites ay sa pamamagitan ng socialized housing program.
Habang ang itatayong evacuation center sa Atimonan, Quezon ay magsisilbing temporary shelter para sa mga lokal na komunidad na naapektuhan ng bagyo.
Ang nasabing proyekto ay pagtugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang iba’t ibang Local Government Unit (LGU) sa bansa na mas maging handa sa panahon ng sakuna.