DSHUD Sec. Eduardo del Rosario, kinumpirma na ng Commission on Appointments

Kinumpirma ng Bicameral Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Eduardo Del Rosario bilang unang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ang confirmation ni Del Rosario ay kasunod ng ilang public hearings na isinasagawa ng CA housing committee na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino.

Sa pagdinig, kinuwestyon ni CA vice chairperson, San Juan Representative Ronaldo Zamora si Del Rosario ang ilang housing issues sa urban areas at kanyang pagiging chairperson ng Bangon Marawi Task Force.


Tugon ni Del Rosario, ilang bansa ay nagbigay ng ₱7 billion na tulong sa pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Marawi City na matinding napinsala dahil sa limang-buwang bakbakan sa pagitan ng militar at teroristang Maute noong 2017.

Ang tulong ng ibang bansa ay ipinaabot sa pamamagitan ng kanilang mga ahensya o non-government organizations.

Ang United Nations, Estados Unidos, Australia, Thailand at European Union ay nagpa-abot ng ₱350 billion.

Ayon kay Senator Christopher Go, tiwala siyang magagampanan ni Del Rosario ang kanyang trabaho.

Para naman kay Senator Cynthia Villar, malaking hamon kay Del Rosario na resolbahin ang dalawang milyong housing unit backlog at inaasahan itong tataas sa mga susunod na taon.

Facebook Comments