Patuloy ang pagbibigay serbisyo ng Crisis Intervention Unit ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD-2) upang matulungan ang mga kliyenteng nangangailangan ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Kahapon, Disyembre 23, bago pa man magsimula ang verification process, ipinaliwanag ng ahensya ang mga kinakailangang dokumento, proseso, at iba pang mahahalagang impormasyon sa mga benepisyaryo.
Layunin nitong masigurong maayos at mabilis ang pagproseso ng mga aplikasyon ng tulong.
Ang AICS program ay nagbibigay ng agarang tulong pinansyal sa mga nangangailangan, kabilang na ang mga may problemang medikal, pinansyal, o pang-edukasyon.
Nanawagan din ang ahensya sa publiko na magdala ng tamang dokumento tulad ng medical certificate, reseta, o billing statement para sa medical assistance, at iba pang dokumentong kaugnay ng uri ng tulong na hinihingi.