DSWD, aminadong may mga mali sa unang pamamahagi ng SAP

Aabot sa 22,000 beneficiaries ang doubleng nakatanggap ng ayuda mula sa ibat ibang programa ng pamahalaan.

Ito ang natuklasan ng Department of Social Welfare and Development sa nagpapatuloy na validation sa distribusyon ng first tranche ng Social Amelioration Program kung saan nakatanggap ang mga benepisyaryo ng ₱5,000 hanggang ₱8,000.

Dahil sa nadiskubre, mas paigtingin ng DSWD ang validation nito sa mga benepisyaryo at liquidation reports na ipinapasa ng Local Government Units na nakapag-distribute sa unang SAP tranche noong Abril.


Sa interview ng RMN Manila, aminado si DSWD Undersecretary Rene Glen Paje na may mga pagkakamali at aberya sa pamimigay unang tranche ng SAP.

Ayon kay Paje, handa ang DSWD na dumalo sakaling imbitahan ng Kongreso sa gagawing pagdinig hinggil sa pamamahagi ng cash aid ng pamahalaan.

Nabatid na nasa 1,556 mula sa 1,634 LGUs ang nakatapos sa 100% distribution ng unang tranche ng SAP sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments