DSWD, aminadong walang nailaang pondo para sa Social Amelioration Program sa susunod na taon

Aminado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang inilaang pondo para sa Special Amelioration Program (SAP) sa 2022.

Ayon kay Appropriations Vice Chair Jocelyn Limkaichong, kahit sa orihinal na budget proposal ay wala ring alokasyong pondo para sa SAP.

Ngunit kahit walang SAP na pang-ayuda ay maaaring i-tap ang ₱18.3-billion na pondo ng Social Protective Services for Individuals and Families under Difficult Circumstances Program.


Kung layon namang magkaroon ng SAP tulad ng nasa Bayanihan 1 at 2, ay kailangan muna ng special law upang maipasok at maipatupad ito ng DSWD.

Sakaling isulong ang pagkakaroon ng SAP sa 2022 DSWD budget ay suportado nito ang paghahain ng amyenda sa plenaryo.

Facebook Comments