Mahigit sa 10,000 benepisyaryo sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang makikinabang sa inilaang P154.74 pondo ng Department of Social Welfare and Development-ARMM.
Ang SLP ay community-based capacity building program na naglalayong maiangat at palaguin ang socio-economic condition ng mamamayan sa rehiyon sa pamamagitan ng micro-enterprise development at employment facilitation activities na sa huli ay magbibigay ng matatag na pagkakakitaan.
Ang DSWD-ARMM at Technical Education and Skills Development Authority-ARMM sa pamamagitan nina ARMM Vice Governor and concurrent Social Welfare Secretary Haroun Al-Rashid Lucman Jr. at TESDA-ARMM OIC Director Omarkhayyam Dalagan ay lumagda sa Memorandum of Agreement para sa implimentasyon ng skills training program.
Ayon kay VG Lucman, ang partnership sa pagitan ng DSWD at TESDA ay malaking tulong sa pagpapa-inam ng poverty alleviation program ng regional government.
Sinabi naman ni Dalagan, ang TESDA-ARMM ay magiging transparent sa pagpapatupad ng skills training at tinitiyak nito na ang SLP beneficiaries ay magkakaroon ng livelihood activities sa pamamagitan ng mga kasanayan matutunan nila.(photo credit:bpiarmm)
DSWD-ARMM, naglaan ng P154.74 para sa beneficiaries ng SLP!
Facebook Comments