DSWD at DHSUD, magbibigay ng emergency shelter assistance sa mga biktma ng bagyo

Magbibigay ang pamahalaan ng Emergency Shelter Assistance (ESA) sa mga biktima ng Bagyong Rolly.

Pagtitiyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na ang mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng bagyo ay mabibigyan ng shelter assistance.

Katuwang ang Department ang Human Settlements and Urban Development (DHSUD), magbibigay sila ng ₱5,000 para sa partially-damaged house at ₱10,000 sa totally-damaged house.


Nakatutok ang DSWD sa mga nasalanta sa Bicol Region habang ang DHSUD at National Housing Authority (NHA) sa mga biktima ng bagyo sa CALABARZON at MIMAROPA.

Bukod dito, mayroon ding Cash-for-Work ang pamahalaan para sa mga biktima ng bagyo kung saan bibigyan ng trabaho ang mga apektadong residente sa loob ng 10 araw at bibigyan ng sahod na katumbas ng 75% ng kanilang daily minimum wage.

Facebook Comments