DSWD at DILG, lalagda ng kasunduan para sa anti-‘epal’ policy sa 4Ps

Plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkaroon ng memorandum of agreement (MOA) sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ay para matiyak na ang Anti-Epal campaign laban sa ilang mga pulitiko ay maipapatupad din sa Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, binubuo na ang guidelines para sa mailayo ang programa mula sa impluwensya ng pulitika habang nalalapit ang nakatakdang halalan sa susunod na taon.


Mula nitong 2013, ang DSWD ay nagpapatupad ng kanilang anti-epal information campaign na layong i-adya ang 4Ps mula sa impluwensya ng mga electoral candidates.

Facebook Comments