Aabot sa 1500 bilang ng mga residente ng Cagayan ang nakinabang sa ‘Lab For All Project’ na ipinagkaloob ni First Lady Liza Marcos Araneta.
Kasama si Cagayan Valley Social Welfare and Development Regional Director Lucia Alan ay personal na pinangunahan ni unang ginang Liza Marcos ang isinagawang libreng medical consultations, pamimigay ng mga kailangang mga gamot, laboratory tests at iba pang serbisyong medikal sa mahihirap na residente ng Cagayan.
Bukod dito ay namigay din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Family Food Packs at dalawang libong pisong tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng ahensya.
Nag-abot din ng tseke ang ahensya sa mga asosasyon at kooperatiba na magagamit sa kanilang livelihood projects sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program o SLP.
Ang Lab For All Project na nangangahulugang laboratoryo, konsulta at gamot para sa lahat ay isang proyekto ni First Lady Liza Marcos na naglalayong ilapit ang serbisyong medikal at iba pang mga tulong sa mga mahihirap na mamamyan sa ibat-ibang lugar sa bansa.