Pipirma sa isang pormal na kasunduan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Local Government Units (LGUs) upang maging tuloy-tuloy ang pagpapabuti sa disaster response at prepositioning ng relief supplies sa panahon ng kalamidad sa bansa.
Sinabi ni DSWD FO-National Capital Region (NCR) Director Michael Joseph Lorico, una silang papasok sa Memorandum of Understanding (MOU) sa lokal na pamahalaan ng Navotas upang mapadali ang preposition ng relief goods sa storage facility ng lugar.
Ang Navotas City ay kabilang sa mga lugar na mahirap pasukin noong nagdaang Bagyong Carina.
Sa kasalukuyan, ang nakapagbigay na ang FO-NCR ng 302,789 Family Food Packs (FFPs) at non-food items na nagkakahalaga ng P213.5 million sa mga typhoon-hit families sa Metro Manila.
Inihalimbawa rito ang DSWD Region 3 na may katulad na kasunduan sa local chief executives, kung saan nagpahiram ang mga ito ng warehouses.