Pinabubuo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa mga Local Government Units (LGUs) ang isang epektibong sistema para matiyak na walang delay sa pamamahagi ng ayuda.
Ayon kay House Minority Leader Joseph Stephen Paduano, hindi na natuto ng leksyon ang DSWD at LGUs sa nangyaring mabagal na distribusyon ng mga naunang cash assistance.
Dismayado at hindi maintindihan ng minority leader kung bakit kailangang maulit pa ang delays at magulong distribusyon gayung naranasan na ito noong nakaraang taon.
Giit ni Paduano, dapat ay mayroon nang mas epektibong sistema ang DSWD at LGUs.
Hindi na aniya nakapagtataka na marami ang nagrereklamo lalo kung nagugutom na ang mga tao at pahirapan pa ang pagkuha sa ayuda.
Dagdag pa ng minority leader, ang paglalagay ng grievance committee ng DSWD para tugunan ang mga reklamo ng beneficiaries ay hindi dapat gawing excuse o palusot para sa kanilang kapalpakan.