Tumulong and Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpapatayo ng mga community kitchen sa mga evacuations center sa Canlaon City.
Katambal ng ahensya ang lokal na pamahalaan ng Canlaon City para sa mga internally displaced person dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ayon kay DSWD Field Office 7 Central Visayas Asst. Regional Director Tonyson Luther Lee, ang pagsasama-sama ng ahensya, local government unit (LGU), at komunidad ay nagpapakita lamang ng kooperasyon at pagiging maparaan.
Dagdag pa nito na ang inisyatibo ring ito ay inuuna ang kaligtasan ng pamilya upang mabawasan ang panganib lalo na sa individual cooking.
Patuloy pa rin na pinaiigting ng DSWD ang kanilang isinasagawang disaster response sa mga apektadong pamilya.