Puspusan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Local Government Units (LGU) sa paghahatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Aghon.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, nakapaglagak na ang ahensya ng family food packs at non-food items sa mga piling lugar sa bansa.
Nakipagkasundo rin ang DSWD sa ilang LGU para magamit ang kanilang mga bodega bilang imbakan ng relief goods.
Nakapagpamahagi na ang DSWD ng mahigit P1.3 milyon halaga ng tulong sa mga probinsya ng Marinduque, Oriental Mindoro, Albay, Camarines Sur, at Sorsogon.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng DSWD Field Offices sa mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo upang matukoy ang iba pang pangangailangan ng mga naapektuhan.
Facebook Comments