Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 100 pamilya mula sa Sirawai, Zamboanga del Norte at Tungawan, Zamboanga Sibugay na pinagkalooban ng bagong housing units ng pamahalaan.
Ang pabahay ay inisyatiba ng DSWD at ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).
Ayon kay DSWD Undersecretary Alan Tanjusay, ang proyekto ay bahagi ng National Peace Agenda investments ng gobyerno para sa mga Conflict-Affected at Vulnerable Communities sa malalayong lugar.
Paliwanag pa ni Tanjusay na ginawa ito sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Modified Shelter Assistance Program (MSAP).
Nangako pa ang DSWD official na magdagdag pa ng housing units ang ahensya para sa iba pang nangangailangang pamilya sa Tungawan at sa Sirawai.