Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigpit na babantayan ang pagpapatupad ng one-time financial aid program para sa 22.9 million low-income beneficiaries sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa statement, sinabi ng DSWD na magbibigay sila ng technical assistance sa local government units (LGUs) sa NCR Plus.
Ang DSWD ay miyembro ng Joint Monitoring and Inspection Team (JMIT), kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND).
Minamandato rin ang mga LGU na bumuo ng Grievance and Appeals Committee para tugunan ang mga hinaing at reklamo ng mga benepisyaryo.
Hinihikayat ng DSWD ang mga benepisyaryo na magsumite ng kanilang reklamo sa pamamagitan ng iba’t ibang grievance redress platforms sa kani-kanilang LGUs.