DSWD, binalaan ang mga text scammer na nambibiktima ng senior citizen

Nagbaba ang Department of Social Welfare and Development o DSWD laban sa mga scammer na gumagamit sa pangalan ng ahensya para mambiktima ng mga senior citizen.

Ginawa ang babala ni DSWD Sec. Rex Gatchalian, matapos silang makatanggap ng sumbong na may nagpapakalat ng text message at nagpapakilalang taga-DSWD kaugnay sa ipinamamahagi umanong “unclaimed” relief allowances para sa mga senior citizen at retired business owner.

Nilinaw ng kalihim na wala silang relief allowances para sa mga senior citizen pero mayroon silang ipinatutupad na social pension program para sa mga mahihirap na seniors at iba pang financial assistance para sa mga indibidwal na nasa crisis situation.


Dagdag pa ng kalihim, mayroon silang mekanismo na kayang makatunton sa mga scammer at mayroon din silang mga kakayanang mapigilan ang mga panloloko sa kanilang kliyente.

Inabisuhan naman ng kalihim ang publiko na i-report sa kanila ang mga kahina-hinalang mga mensaheng kanilang natatanggap sa pinakamalapit na DSWD office dahil obligasyon ng lahat ng mga citizen na i-verify ang mga ntatangga na mga imporasyon.

Facebook Comments