Handa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magsagawa ng dayalogo ukol sa mungkahing isama ang COVID-19 vaccination sa mga kondisyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, hindi sila magdadalawang isip na talakayin ito batay na rin sa suhesyon ng Malacañang.
Ang mga benepisyaryo ng 4Ps na nasa higit 4.3 million ay mabibigyan ng kaalaman patungkol sa vaccination program.
Ang mga 4Ps beneficiaries ay kabilang sa A5 priority sector ng immunization program ng pamahalaan.
Magugunitang iminungkahi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gawing vaccination requirement para sa 4Ps beneficiaries ang COVID-19 vaccination bago nila matanggap ang cash aid.
Facebook Comments