DSWD CASH ASSISTANCE PARA SA TODA DRIVERS SA REHIYON UNO, MAGSISIMULA NA

Mag-uumpisa na sa Miyerkules, Abril 8, 2026 ang DSWD Cash Relief Assistance (CRA) payout para sa mga toda drivers sa siyam na pangunahing lungsod ng rehiyon uno.

Nakatakda na ang payout sa apat na probinsya, batay sa nakatalagang lungsod kung saan kukunin ng mga tricycle drivers ang kanilang cash assistance.

Sa Ilocos Norte, makukuha ang tulong sa Laoag City at Batac City, ang Ilocos Sur, sa Vigan City at Candon City, at sa La Union naman ay sa City of San Fernando, habang sa Pangasinan, sa Alaminos City, Urdaneta City, San Carlos City, at Dagupan City.

Ayon sa DSWD, malaking tulong ang inisyatibong ito sa mga toda upang mapagaan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at masiguro na hindi ito maging hadlang sa kanilang hanapbuhay.

Makakatanggap naman ang mga eligible drivers ng opisyal na abiso mula sa kani-kanilang pamahalaang panlungsod, kabilang ang listahan ng mga dokumentong kailangan isumite upang makuha ang cash assistance. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments