DSWD Chief, patuloy ang pag-monitor sa relief operations matapos manalasa ng Bagyong Rolly

Personal na mini-monitor ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Joselito Bautista ang paghahatid ng ayuda sa CALABARZON at MIMAROPA region matapos manalasa ng Bagyong Rolly.

Naka-deploy na ang mga quick response team ng ahensya upang asistehan ang mga Local Government Units sa relief response sa mga pamilyang apektado.

Tiniyak ni Bautista na may sapat na stockpile ng food items at standby funds para agarang tugunan ang karagdagang pangangailangan ng mga apektadong augmentation ng Local Government Unit.


Nagpapamahagi na ngayon ang DSWD ng aabot sa 260,164 family food packs sa mga lugar na hinagupit ng mga bagyo.

Ayon pa sa DSWD Chief, ang pinagsamang stockpiles at standby ng ahensya ay nagkakahalaga ng P844 milyon.

P344 milyon dito ay standby funds na available sa Central Office at mga field offices

Facebook Comments