DSWD, dapat maging maingat sa paglilinis sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps

Pinag-iingat ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa paglilinis sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Giit ni Hontiveros sa DSWD, tiyakin na talagang graduate na o nakaahon na sa kahirapan ang 1.3 milyong pamilya na aalisin sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps.

Pinapatiyak din ni Hontiveros na mapupunta sa bagong pamilyang mahihirap ang inihayag ng DSWD na P15 billion na matitipid sa pagtatanggal sa nasabing mga pamilya sa listahan ng 4Ps.


Ayon kay Hontiveros, kailangang i-update ang listahan ng beneficiaries ng 4Ps dahil 2019 pa kinolekta ang impormasyon dito.

Ipinunto ni Hontiveros na mula sa nabanggit na taon ay marami ang nawalan ng trabaho, naubos ang ipon, kinapos ang paggastos dahil tumaas at patuloy pang tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Hontiveos, na sa oras na maiayos at malinis na ang listahan ay maari ng kumuha ang DSWD ng mga bagong benepisyaryo sa pamamagitan ng national household targeting system for poverty reduction.

Facebook Comments