
Dumipensa ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga batikos ng netizens sa mga cellphone na ipinamigay sa mga benepisyaryo ng 4Ps noong March 18 sa Navotas Sports Complex.
Ayon sa netizens, sa halip na bigyan ng trabaho at turuan ng financial literacy, mas ginagawa anilang tamad ang mga benepisyaryo.
Ayon pa sa isang netizen, dapat gumawa ang pamahalaan ng pangmatagalang solusyon sa kahirapan para hindi masayang ang tax ng taumbayan sa mga panandaliang solusyon.
Sa online briefing, sinabi ni 4Ps Social Marketing Division Chief Marie Grace Ponce na donasyon ang mga nasabing cellphone ng dalawang pribadong kompanya para mapadali ang pag-access ng mga benepisyaryo sa mga cash grant.
March 18 nang makatanggap ng mobile phones ang limampung benepisyaryo sa Navotas at Malabon na target ding magawa sa Cordillera Administrative Region, MIMAROPA at Davao Region sa mga susunod na buwan.