DSWD, exempted na rin sa election spending ban ng COMELEC

Kinatigan ng Commission on Elections (COMELEC) ang kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na exemption para sa election spending ban.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, sa desisyon ng En Banc, pinagbigyan ang kahilingan ng DSWD sa 45 araw na campaign period.

Kabilang sa request for exemption ng DSWD ang infrastructure at procurement projects.


Layon nito na hindi maparalisa ang operasyon ng nasabing ahensya.

Ilan naman sa kahilingang exemption sa pagpapatupad ng mga proyekto, ng ilang lokal na pamahalaan ay hindi inaprubahan ng COMELEC.

Facebook Comments